
Isa sa paborito kong ulam ay Mackarel in tomato sauce (yung nasa lata)! Mas masarap 'to kesa sa sardinas. Pag walang budget dito sa bahay, ito ang isa sa mga ulam namin. Mabibili 'to kahit saan, sa inyong suking tindahan o sa grocery sa murang halaga lamang (mas mura di hamak sa Mha-Ling). Ang ok pa dito, hindi 'to mahirap i-prepare, pwedeng kainin from the can ika nga o gisahin (mas trip ko ginisa). Paraan ng pagluto ng ginisang Mackarel? Simple lang...You just need dinikdik na bawang, chopped sibuyas, calamnsi o suka (pampatanggal ng lansa), asin at paminta. Pwede ring lagyan ng Aji-ginisa o Maggi Magic Sarap para mas malasa. Gisahin niyo lang ang bawang at sibuyas sa kawaling may konting mainit na mantika. Pag medyo luto na yung bawang at sibuyas, ilagay na yung Mackarel. Tapos lagyan nyo ng konting katas ng calamansi o pag walang calamansi, konting suka para maalis yung lansa. Lagyan ng asin at sibuyas ayon sa inyong panlasa. Pakuluin konti, then presto! Meron na kayong masarap na ulam. Wala pang 5 mins. may masarap nang ulam na nakahain sa mesa! Ayos di ba?