Lunes, Agosto 25, 2008

Chicken Curry

Since nakapag-grocery kami kanina, medyo masarap ang aming ulam ngayong gabi. Isa sa paborito kong pagkain ay manok. Kahit ano pang luto yan basta manok solb ako! Bukod sa fried chicken, ang chicken curry ay isa sa paborito kong luto sa manok. Nasa ibaba nakalista ang mga rekado at kung paano lutuin.

Mga Rekado:
1 whole chicken (pa-chop nyo na pagbili nyo)
curry powder
gata (gamit namin instant gata lang, pag wala pwede na evaporated milk)
chicken cubes (dagdag pampalasa)
patatas (parang pang-nilaga yung hiwa)
sibuyas (chopped)
bawang (dinikdik)
luya (chopped)
salt

Paraan ng Pagluto:
Iprito muna ang patatas hanggang sa maluto ng konti at itabi muna (huwag niyong sunugin yung patatas, hindi dapat pritong-prito na parang french fries ha!). Gisahin ang luya, bawang, sibuyas at ilagay ang manok. Pag medyo luto na yung manok, ilagay na ang curry powder. Nasa-inyo kung gaano karami ang ilalagay. Kung gusto ninyong medyo spicy, damihan niyo yung curry powder. Haluin ng konti at lagyan ng konting tubig tapos ilagay ang chicken cubes at timplahan ng asin. Pakuluin hanggang sa maluto ng husto yung manok. Pag luto na yung manok, ilagay niyo na yung gata (instant gata o evaporated milk). Pakuluin ulit ng konti at ilagay na yung patatas. Pakuluin ulit hanggang sa maluto ng husto at lumambot na yung patatas. Tapos...tapos na! Meron na kayong masarap na chicken curry! Kain na! Yum!

Pahabol lang...importanteng tinitikman niniyo ang inyong nilulutong pagkain para alam niyo kung matabang pa ito o tama lang ang timpla. Yun lamang po! Bow!

Biyernes, Agosto 22, 2008

Pritong Mha-ling

Ang Mha-ling ay isang brand ng luncheon meat. Ito ang isa sa pinakamasarap na luncheon meat na aming kinakain. Kapag low budget o walang namalengke dito sa bahay, isa ito sa ulam na aming pinagsasaluhan. Pwede itong pang-agahan, tanghalian o hapunan. Pwede din itong pang-pulutan at hindi na piniprito. Yung iba gusto itong tustado, yung iba gusto itong sakto lamang ang pagkakaprito (tulad ko), at yung iba naman gusto itong parang dinaan lamang sa mantika. Masarap talaga itong ipalaman sa tinapay, mapa-pandesal man o tasty. Masarap din itong i-ulam sa kanin. At masarap din itong isabay sa red horse beer. Sa ibaba ay ang paraan ng pagprito nito at ang iba pang detalye.

1) Hiwain ang luncheon meat sa gitna at hiwain ng maninipis o makakapal (depende sa inyo).
2) Painitin ang kawali at lagyan ng mantika.
3) Kapag mainit na ang mantika, ilagay ang nahiwang luncheon meat at prituhin.
4) Pag medyo brown na ang luncheon meat, hanguin na ito sa mantika.
5) Ilagay sa plato na may tissue para masala ang mantika (kung ayaw niyong ma-high blood).
6) Tapos ihain na sa hapag-kainan, chicha na!

Sa isang lata ng Mha-ling ay makakagawa ka ng higit sa 10 slices na pupwede sa 5 tao (2 slices per person). Ang isang lata ng Mha-ling ay humigit kumulang sa P75 (kakabili lamang namin kanina sa tindahan). Talagang masarap ito! Subukan niyo!